Bilang isang Pilipinong Mamumundok, buong tapang naming ipinagmamalaki ang paglahok sa isang pretihiyosong event na ginanap noong June 12, 2011 at nilahukan ng libo-libong Filipino Mountaineers sa buong bansa. Ang Akyaters Adventure Club, Hook Outdoors at Mariwasa Mountaineering ay nagsanib pwersang ipinagdiwang ang araw ng kalayaan sa Mt. Gulugod Baboy.
Sa paggunita natin sa kalayaan ng Pilipinas, nawa’y maging hamon sa bawat Pilipino na sa mga darating na panahon, maging matatag sa mga pagsubok, pag-abot sa pinakamataas na antas ng karunugan sa anumang larangang iyong kagustuhan, at makisabay sa pag-unlad ng teknolohiya at lipunan nang hindi kinakalimutan ang mga ugaling kinalakhan na tunay na kumikilala sa mga Pilipino!
Taas noo kahit kanino, Mabuhay ang Filipino Mountaineers!
Photo credits: Rei Gallardo / Valt Tomboc / PM Del Mundo






