Putik Naman Oh!

Naalala ko pa nung aking unang inakyat ang bundok Romelo, kilala sa bansag na “Famy”. Putik ang aking unang hinakbangan mula sa paanan hangang sa kami ay makarating sa campsite. Pinag-piyestahan kami ng mga lematiks sa pagaakalang malinis ang mga dugo naming mayaman sa kolesterol. Sangkaterbang delata, instant noodles at alak, ang tangi naming baon. Ito rin ang gumising sa aking isipan na ang ako pala ay buhay pa sa kabila ng aking pagkakalugmok sa magulong buhay sa siyudad. j3j3j3! – JP Platilla

If that’s the way it is

Then that’s the way it is!
Hapi Bertdey Yaya!

If that’s way it is
Then that’s the way it is
I still feel you and the taste of cigarettes
What could I ever run to
Just tell me it’s tearing you apart
Just tell me you cannot sleep

And you didn’t even notice
When the sky turned blue
And you couldn’t tell the difference
Between me and you
And I nearly didn’t notice
The gentlest feeling
You are the bluest light
blue light by bloc party

 

Buhay Bundokero


Sa tuwing nahihirapan ako sa trek lalu’t higit kung paakyat, napapamura ako ng malutong, (sa isip lang)… sasamahan pa ‘yun ng “syet…bakit ba nakasama-sama ako dito…” ngunit sa tuwing lilingunin ko ang aking naakyat, at makakapagpahinga ng bahagya kung saan man abutan ng pahinga, nagdiriwang ang aking kalooban at punung-puno ako ng pasasalamat sa dahilang kahit ako, sa sarili ko ay hindi pilit mahinuha ang lakas na nagmula sa mahina kung tuhod at pagod na puso, (mula sa mabilis na pagtibok)… isang pagpapaalala na ang buhay ay parang pag-akyat… mas nakahihigit ang hirap at panganib ngunit walang singtamis ang tagumpay matapos mong suungin ang lahat ng balakid sa iyung dadaanan… may mga hinto sa pag-akyat na gusto mo nang sumuko, bumalik kung saan ka nagsimula at tanggapin na ika’y talunan… ngunit sa bawat hinto, nand’yan ang iyung mga kaibigan na nananampalataya at patuloy na umaasa na maunawaan mo na hindi lamang ang mga sagabal ang makakasalubong mo sa pag-akyat… at hindi ka nag-iisa sa pagsuong sa lahat ng balakid sa iyung paglalakbay… oo…may kaunting hiya ka na mararamdaman at muli, mula sa hiya na sumibol sa isang sulok ng iyung diwa…mayroon kang mahuhugot na lakas upang ipagpatuloy ang nasimulan… dahil maging sila, ay sa iyo humuhugot ng lakas upang magpatuloy… ang nakapagtataka, minsan, kailangan pang mamundok at mahirapan, magutom at mauhaw, mahulog at madapa, mainitan at malamigan, mauntog at masugatan upang iyung mapagtanto na nand’yan lang sila… hindi man kumibo, katulad ng mga bato at malalaking ugat o mahihinang sanga ng halaman ngunit umaagapay sa’yo at kasama mo sa pagtanaw sa malayo pang bukas, ngunit hitik na hitik sa pag-asa… maraming salamat mga kabundok… isang pagpupugay sa inyo mga kaibigan ko…

Arni Ramirez
Akyaters Adventure Club

Tuldok at Kuwit

Hindi ako lumilimot, at hindi ako lilimot. gusto ko lang maglakbay ng walang anino…ng walang kasaysayan

Nitong nagdaang mga araw, nagbabago ako ng anyo. Isa akong yelo, na nakakulong sa bakal na puno ng kalawang. Hindi tumatakbo ang oras. Paano ako makakawala nang hindi natutunaw? Nang hindi nadudumhan? Kung dumating ang oras na maghahanap ka, puntahan mo ang nagliliparang alikabok. Isa ako sa kanila. At kung sakaling mapuwing ka, isipin mong ako ang pumupuwing sa ‘yo para di ka masaktan. Gusto kong maramdaman mo ang aking presensya nang hindi ako nakikita.

Kung madaan ka sa mga halaman, ‘wag kang kukuha ni isang dahon man lang, baka ako ang iyong mapitas, malulungkot ako. Pag ninais kong muling magbagong anyo, (ayoko pa) ‘wag kang umasang makita ako, mag-iiba ako ng pormat disenyo. Kung mapadaan ka sa umaagos na tubig, damhin mo iyon ng iyong mga palad. Wag mong punasan, isipin mo ako, hayaan mong matuyo at saka ako maglalaho. Isipin mo lang akong tumatawa, tulad ng lagi kong ginagawa. Isipin mo lang akong tinotopak, at tawagin mo akong baliw, hindi pa rin ako masasaktan, tulad ng dati.

Hindi mo man ako makita, hindi ako lalayo. Magbago man ako ng anyo, ako pa rin ako. ‘Wag mo na akong hanapin dahil hindi ako nagtatago, pero hindi ako magpapakita. Hayaan mong lumipas ang panahon…hanggang sa naisin kong ilapit ang langit sa aking puso…

Doon lang ako magiging malaya.

Source: Click Here

John Joseph Elpa
The Trail Blazer – Akyaters Adventure Club
Anawangin Cove Expedition via Mt. Pundaquit
June 20-22, 2009

A Mountaineer’s Prayer

On Every Seas & Mountain Peaks We Scale, We Celebrate The Beauty Of Gods Creation
And Invoke His Guidance & Protection.

A View Of Sunrise At The Peak Of Mt. Gulugod Baboy
A MOUNTAINEER’S PRAYER
Lucy Larcom, 1885

Give me with the strength of Thy steadfast hills,
The speed of Thy streams give me!
In the spirit that calms, with the life that thrills,
I would stand or run for Thee.

Let me be Thy voice, or Thy silent power,
As the cataract, or the peak, —
An eternal thought, in my earthly hour,
Of the living God to speak!

Clothe me in the rose-tints of Thy skies,
Upon morning summits laid!
Robe me in the purple and gold that flies
Through Thy shuttles of light and shade!

Let me rise and rejoice in Thy smile aright,
As mountains and forests do!
Let me welcome Thy twilight and Thy night,
And wait for Thy dawn anew!

Give me the brook’s faith, joyously sung
Under clank of its icy chain!
Give me of the patience that hides among
The hill-tops, in mist and rain!

Lift me up from the clod, let me breathe Thy breath,
Thy beauty and strength give me!
Let me lose both the name and the meaning of death,
In the life that I share with Thee!